A Day with His Family

05/26/12, Outing w/ Jimenez & Gonzales Fam @ 8 Waves

Sooo, first time ko ‘to na makasama sa outing si Gian at mga kamag-anak nya kaya sobrang memorable ‘to. Ito din yung una’t-huling tikim ng summer na ‘to. Grabe yung mga pinsan nyang babae, puro chix ba. Kakatibo ho ho~ 

Ako yung nakapam-bahay. HAHAHA! Di na kelangan bumili ng swimsuit anak nang.. =)) 

There there nung kakarating lang namin. Petix muna. Then langoy langoy na din sa may waves, dun sa olympic pool na bawal mag-dive, sa may slide na mabagal, tnry namin lahat. Masaya sobraaa. Tapos isa sa mga pinaka-nakakahiyang part nung araw na yun eh nung pinag-dougie ako dahil sa kailangan daw yun sakanila. Mga dancer kasi sila. Huhu. So yuun, habang naglalakad kami biglang nagrampahan ang mga loko at since nasa huli ako ng pila, mag-dougie na daw ako.

Ayun, galing ko daw. Wakoko. Hahaha. At yun, nung nagkapaguran na, tambay lang sa cottage at picture picture habang tulog yung iba.

May pic din ulit kami ni Gi sawakas

Pagkapahinga ng iba, naglaro kami ng kung anu-anong larong kalye. Nag agawan base, nagtaguan sa pool at kung saan kaso malas lang sa bawat laro namin may nadisgrasya, buti nalang minor lang kaya tuloy ang saya. Haha. 

Madami pang nangyari. Naglaro, kumain, nagpahinga, nagrecord sila ng video, naghabulan sa may waves and many many moreee. Sobrang saya talaga. Actually best outing ever. Dito ko lang na-feel yung bonding talaga ng family na di ko na maramdaman sa family namin. Sad but true. At syempre lahat ng happy happy, may ending so umuwi na kami ng mga 8 ata or 9. 

Sana maulit ulit ‘to, na makasama ako at maging part nadin ng family nila. Hihi. Buo nadin ang summer ko! :-)

Call Me Maybe

Lintik na kanta yan, nauurat ako jan nung nakikita ko palang sya sa FB na may pictures ng mga tao na may edit kasama yung chorus non. Tapos nung narinig ko na yung I just met you and this is crazy bla bla tapos call me maybe agad, anak ng. Tulad nga ng sinasabi ng iba, PBB TEENS?!?! Haha. Pero infairness, nakaka-LSS. Okay na sana eh pero sana di ko nalang napanood yung music video sa Myx kanina. Naurat na naman ako. Masyado papansin yung babae tapos bading pala yung lalaki. WTF. =))

Inggit

San ba nagsimula yang lintik na salitang ‘inggit’ na yan? Sa lahat nalang bagay sa mundo may ganyan. Sa pamilya, school, pati pagkain kinaiinggitan, pero okay okay naman yun ikumpara sa ganto 

Pag kasama mo ang boyfriend/girlfriend mo, okay lang palagi sa mga tropa. Nagtatampo lang yan pag nagpromise kang sasama ka sakanila at jinamming mo sila. Pero pag ang tropa eh kasama mo na, etong si boyfriend/girlfriend mo naiinggit at wagas pa kung makapagtampo na parang hindi kayo nagkakasama ni minsan. Okay lang namang magtampo pero pangit na pag sumobra naman eh, nakakainis din naman syempre tapos magsusumbatan pa kayo ng kung anu-ano. Hayy.

Pero kahit magsumbatan pa kayo, kahit anong pagtatapat ang maganap, obstacle lang yun. Okay lang na sa una, magsumbatan kayo o kahit ano pa, basta pag tapos na kayong maglabas ng hinanakit nyo, learn to understand na kung ano ba talaga yung pinipin-point nya at kung ano ba talaga yung gusto nyang mangyari at higit sa lahat, lunukin ang pride, mag-sorry sa isa’t-isa. 

UK-UK

Sinong hindi gusto ng mga gamit ukay-ukay? Bukod sa mura na, madami ka pang mahahanap. San ka pa? Yun nga lang, karamihan sa mga binebenta dito eh may sira na kaya pa-swertehan at paunahan nalang sa pagpili ng mga matitino at maganda. May mga tao kasing nahihiyang bumili sa mga ukay-ukay kasi ‘cheap’ nga daw. Masaya kayang timingin sa ukay-ukay at pag may nahanap ka pang maganda eh nakakatuwa talaga. Hindi naman nakakababa ng pagkatao ang pagbili sa ukay-ukay no. :-)

So yun, galing ako sa may ukay-ukay sa tapat ng SM Bacoor at ito ang nagustuhan ko at binili naman ni mama.

Got it for 250php. Walang sira and fit na fit sya sa’kin. Not bad daw ang presyo sabi ni mama eh so akin na sya. Hihi. So cute. Orange. :3

Stop Expecting

Hindi ito yung post na tungkol nanaman sa love ha. Maiba naman tayo. 

Based on my experience, mas natutuloy ang mga bagay-bagay ng mas maaga pag hindi inaabangan. Expect the unexpected ika nga. Pag gusto ko ng ganto, pinagpa-planuhan ko kung paano ko makukuha eh pero pag nagpaplano na ko, mas hindi ko nagagawa at di ko makuha-kuha yung inaatim ko. Sa sobrang tinamad na kong magplano dahil nga hindi natutuloy lalo, pumetix nalang ako. Kayod dito, kayod don, then narealize ko nalang na nakakakuha na ako ng benefit at yung benefit na yun unti-unti nang nabuo at nakuha ko din sa wakas yung ginusto ko noon. 

Ayos namang magplano para may goal, pero parang mas mabilis at mas madali kahit walang plano. Kumbaga sa pagdadahilan, “Ang dami mong sinabi, eh kung gawin mo nalang.”

SEPTEMBER - IMP

Loves to chat. Loves those who love them. Loves to takes things at the center. Great in bed. Inner and physical beauty. Doesn’t pretend. Gets angry often. A meaningful love life partner. Makes right choices. Treats friends importantly. Brave and fearless. Always making friends. Does not harm others. It is all about love and fairness. Easily hurt and hard to recover. Daydreamer and does fulfill. Opinionated. Does not care to control emotions. Knows what to do, to have fun. Unpredictable. Someone to have close to you. Extremely smart, but definitely the most adorable of them all.

Problemang Tindahan

  • Costumer: May ano kayo jan.. Ano.. Conditioner.. Pantene. Oo Pantene! Conditioner.
  • Ako: Wala ng Pantene conditioner eh. Shampoo nalang meron.
  • Costumer: Ay wala ng conditioner?
  • Ako: Wala nga. Kakasabe lang e.

Ako: (nagtext kay mama) Ma, ano na nagyari? Happy Mother’s day. Sorry kung wala kaming mabibigay. Hahaha. Kelan ka uuwi? Dami naghahanap sa’yo eh. Sige wala na ko load.  Ingat jan.
Mama: Cge lng ok kht wlang gft bsta good grl k. Mamaya gb dyn ak.

Hi, mama. Alam ko namang proud ka sa’kin kahit lagi mong sinasabi sa’kin yung kabaliktaran. Maganda kasi ako. HAHA. Chot. Mana lang daw ako sa’yo e. Maganda ka din daw nung panahon mo parang ako ngayon. Kaya masaya kang masaya ako pag binibigay mo sa’kin yung gusto ko o kaya yung gusto mo para sa’kin. Salamat sa lahat mader. Tutulungan kita habang kasama mo pa ko. Magttrabaho din ako sa malayo kaya magkakapera din ako. Papatayuan pa kita ng bahay na gusto mo. Ibabalik ko sa’yo lahat ng pinaghirapan mo promise. Tinatamad pa ko ngayong high school eh. HAHAHA. Basta sa college ma, pag-iigihan ko talaga. Yun lang yung bagay na maibabalik ko sa’yo sa lahat ng paghihirap mo/nyo ni papa. Tiwala lang. Kilala mo na ko, ma. =) I love you. Haha. Sana mabasa mo ‘to. Nahihiya ako eh. Buti wala ka ngayon sa bahay. Ang awkward siguro nito. Nyahaha. 
P.S. Tumatanda ka na, lagi ka nalang inis sa’kin. Pero kahit ganon, dito lang ako. Wag kang matakot na tumatanda ka na, aalagaan kita. =)

Ako: (nagtext kay mama) Ma, ano na nagyari? Happy Mother’s day. Sorry kung wala kaming mabibigay. Hahaha. Kelan ka uuwi? Dami naghahanap sa’yo eh. Sige wala na ko load.  Ingat jan.

Mama: Cge lng ok kht wlang gft bsta good grl k. Mamaya gb dyn ak.

Hi, mama. Alam ko namang proud ka sa’kin kahit lagi mong sinasabi sa’kin yung kabaliktaran. Maganda kasi ako. HAHA. Chot. Mana lang daw ako sa’yo e. Maganda ka din daw nung panahon mo parang ako ngayon. Kaya masaya kang masaya ako pag binibigay mo sa’kin yung gusto ko o kaya yung gusto mo para sa’kin. Salamat sa lahat mader. Tutulungan kita habang kasama mo pa ko. Magttrabaho din ako sa malayo kaya magkakapera din ako. Papatayuan pa kita ng bahay na gusto mo. Ibabalik ko sa’yo lahat ng pinaghirapan mo promise. Tinatamad pa ko ngayong high school eh. HAHAHA. Basta sa college ma, pag-iigihan ko talaga. Yun lang yung bagay na maibabalik ko sa’yo sa lahat ng paghihirap mo/nyo ni papa. Tiwala lang. Kilala mo na ko, ma. =) I love you. Haha. Sana mabasa mo ‘to. Nahihiya ako eh. Buti wala ka ngayon sa bahay. Ang awkward siguro nito. Nyahaha. 

P.S. Tumatanda ka na, lagi ka nalang inis sa’kin. Pero kahit ganon, dito lang ako. Wag kang matakot na tumatanda ka na, aalagaan kita. =)

Goodmorning! :p~

Slow~

  • Ako: Ma, wala akong pera eh. (pinaparating ko yung Mother's day)
  • M: Wala nga. Bakit san ka pupunta?
  • Ako: Wala akong pera. Wala kaming pera ni kuya. Haha. Umuwi ka na nga lang (sa probinsya). Wala tayong pera. Haha.
  • M: San ka nga pupunta?
  • Ako: Wala. ANG SLOW MO! HAHAHAHA.
  • M: AHH! GANYAN KA. SASABAYAN MO YUNG ALIS KO E NO?